Friday, October 9, 2015

IRRI at Young Rice Scientists Tutugunan ang kahirapan at Gutom sa Bansa


Ang International Rice Research Institute (IRRI ) sa Los Banos Laguna ay dinagsa ng mga “Young Rice Scientist’s” mula iba’t ibang lahi sa mundo kamakailan (Enero 27, 2015), Layunin nito na mapaunlad ang ating pag-aangkat ng bigas sa buong mundo. Para na rin sa kinabukasan ng mga susunod na henerasyon.
Pag dating ng grupo ng mga mamamahayag (after lunch), sinimulan ang programa, kasunod nito ang “GroudBreaking ceremony” ng Lloyd T. Evans plant Growth Facility.
Sa Pagsisimula ng Programa, ito ay pinangunahan nina Grant Singkleton at Janelle Jung. Ang nakapaloob sa nasabing Programa ay tinalakay ng mga bisita buhat sa ibat-ibang bansa:
  • Post-harvest losses by Rodents ( Scientist Nyo Me Htwe )
  • Induced mutations alter 0 13C values in C4 plants ( Scientist Govinda Rizal )
  • Supporting women alter in rice farming: Where can we contribute ( Scientist Pieter Rutsaert )
  • Testing C4 gene promoters ( Scientist Shanta Karki )
  • How learning alliance or adaptive management approach affects innovation ( Scientist Rica Joy Flor )
  • Increasing rice yield through pyramiding high value genes ( Scientist Ramkumar Gandhimari )
  • Targeted genome editing through CRISPR/Cas9 technology ( Scientist Akshaya K Biswal )
  • Enhancing rice straw management to mitigate environmental footprint ( Scientist Nguyen Van Hung )
  • Why getting muddy matters: Lessons learned from getting young scientists out of the lab and into the field. ( Scientist Janelle Jung )
  • SNP marker development for rice breeding ( Scientist Maria S Dwiyante )
  • Population structure in 3000 rice genomes ( Scientist Dmitri Chebotarev )
  • Mutagenesis for discovery of genes affecting the leaf vein density in a model C4 monocot ( Scientist Vivek Thakur )
  • Understanding adaptation of rice across varying environments: Traits, trait interactions and QTLs ( Scientist Shalabh Dixit )
  • Night inspiration and sink activity reveals high night temperature induced yield and quality loss and rice. ( Scientist Rajeev Nayan Bahuguna )
  • Effect of land configuration on water productivity and crop performance in rice-based cropping system. ( Scientist Krisha Devkota )
  • Biotect + breeding = healthier rice varieties ( Scientist Jessica Rey )
  • Setaria photosynthetic mutant screen using Plant Screen Phenotyping System ( Scientist Jolly Chatterjee )
  • C4 gene stacking ( Scientist HsiangChun Lin )


Nagkaisa ang mga Kabataang Scientists at mga miyembro ng International Rice Research Institute (IRRI ), na tugunan na mabawasan ang kahirapan at gutom sa Bansa. Sa pamamagitan nang malawakang produksiyon ng Bigas at kapaki-pakinabang sa kalikasan.

Ayon sa IRRI, ang mga magsasaka umano ang unang makikinabang sa mga makabagong teknik sa produksiyon ng bigas, na maging kuwalipikado ito sa merkado, at may siguridad na maiingatan ang kalusugan sa kung sinuman ang makakakain nito.

Sapagkat malaki ang suporta ng mga tumutulong na malalaking Bansa, Publiko at Pribadong Sektor na mapalago pa ang mga pasilidad ng pagsasanayan ng mgaScientist’s. Kung pagbabasihan sa pangangailangan ng bigas sa buong mundo, ito ay umabot na sa walo-hanggang sampung milyon tonelada na bigas ang kakailanganin sa loob ng isang taon at dapat na sa mababang halaga ito mabibili ng taong bayan.

Sumasabay din ang klima ng panahon na pabago-bago at madalas nakakadanas ng mga iba’t-ibang kalamidad. Nariyan na tumataas ang level ng tubig dagat, sa lupa, mainit na panahon, pagbaha at malalakas na ulan na siyang nagpapahirap sa ating mga magsasaka sa buong mundo.

Kaya dito nagsisimula na maglalaho ang sustansiya ng lupa, na siya ring dahilan sa paghina ng ani ng mga magsasaka sa mundo. Hindi na kataka-taka na umabot ng isa lang sa anim o mahigit na sa isang bilyon na tao ang nabubuhay sa kahirapan na halos hindi nakakatikim ng bigas bawat araw.

Samantala, patuloy rin na lumaki ang bilang ng malnutrisyon sa buong mundo, dahil sa epekto ng mababang produksiyon ng bigas, na hindi abot kaya ng mga mahihirap nating mga kababayan. kung kaya ganoon na lamang ang pagsisikap ng ating mga makabagong Scientists sa buong mundo.

Para sa kinabukasan, magpapatuloy ang pag-aaral upang matugunan ang suplay ng bigas sa buong mundo. Maingatan ito, maunawaan, maibahagi na gamit sa hinaharap itong Rice Genetic Diversity.

Ang sama-samang puwersa ng IRRI’s ay umabot na sa isang libo tatlong daan at limampu (1,310). Samanta umabot naman sa isang libo at isang daan(1,100) na ang mga headquarters sa Pilipinas, isang daan dalawampu(120) naman sa Bansang Bangladesh, limampu (50) sa India at sa iba pang lokasyon sa Asya at Aprika.

Kaya nag-iimbita pa ang IRRI ng mga bagong Scientist ng Bigas, para mabigyan ng tamang pagsasanay, upang mabawasan o maiwasan na ang malnutrisyon sa buong mundo. (Narisa P. Gonzales)


No comments:

Post a Comment